Batangas, bukal ng kadakilaan
Ang pinakapuso ay Bulkang Taal
Kaygandang malasin, payapa’t marangal
Ngunit nagngangalit kapag nilapastangan
Batangas, hiyas sa katagalugan
May barong tagalog at bayaning tunay
Mabini, Laurel, Recto, Diokno, Kalaw
Agoncillo, Malvar sa bayan ay dangal.
Batangas, mutya sa dulong silangan
Bantayog ng sipag at kagandahan
Sulo sa dambana nitong Inang Bayan
Batangas, Batangas, ngayon at kailanman
Batangas, bukal ng kadakilaan
Ang pinakapuso ay Bulkang Taal
Kaygandang malasin, payapa’t marangal
Ngunit nagngangalit kapag nilapastangan
Batangas, hiyas sa katagalugan
May barong tagalog at bayaning tunay
Mabini, Laurel, Recto, Diokno, Kalaw
Agoncillo, Malvar sa bayan ay dangal.
Batangas kong mahal, ngayon at kailanman!
About the Province of Batangas
Batangas is a province in the Calabarzon region of the Philippines. The province is home to the picturesque Taal Volcano. The province is divided into thirty municipalities and four cities. These are Tuy, Tingloy, Taysan, Tanauan, Talisay, Taal, Santo Tomas, Santa Teresita, San Pascual, San Nicolas, San Luis, San Juan, San Jose, Rosario, Padre Garcia, Nasugbu, Mataasnakahoy, Malvar, Mabini, Lobo, Lipa, Lian, Lemery, Laurel, Ibaan, Cuenca, Calatagan, Calaca, Bauan, Batangas City, Balete, Balayan, Alitagtag and Agoncillo.