Aurora, Bayan Ko
Isigaw natin: "Mabuhay ang Aurora!"
Isigaw natin: "Mabuhay ang Aurora!"
Oh Aurora, inang bayan, ika'y makasaysayan
Sagana ka sa kalikasan, dulot ng Poong Maykapal
Pag ibig ko'y ilalaan, sa iyo Aurora - bayang mahal
Mga palayan mong luntian, punong niyog, kabukiran
Yaman na pang-agdong buhay, nakakabighaning kagandahan
Malalago mong kagubatan, mga ilog karagatan
Mabiyaya at masagana, ika'y bayang pinagpala!
Oh Aurora inang bayan, ika'y makasaysayan
Sagana ka sa kalikasan, dulot ng Poong Maykapal
Pag ibig ko'y ilalaan sa iyo Aurora - bayan kong mahal
Kultura′t malayang isip, likas na iwi mong bait
Sa lilim ng iyong araw, pag-ibig ay nananahan
Bayan ka ng pananalig, laban sa gawang lihis
Kung tayo'y magsama-sama, buhay ay giginhawa
Oh Aurora inang bayan, ika'y makasaysayan
Sagana ka sa kalikasan, dulot ng Poong Maykapal
Pag ibig ko'y ilalaan, sa iyo Aurora - bayan kong mahal
Isigaw natin: "Mabuhay ang Aurora!"
Isigaw natin: "Mabuhay ang Aurora!"
About the Province of Aurora
Aurora is a province of the Philippines located on the eastern part of Central Luzon. It used to be a part of Quezon province until its separation in 1979. Its capital is Baler, a well-known tourist town because of its beautiful beaches. Aurora has eight municipalities. These are San Luis, Maria Aurora, Dipaculao, Dingalan, Dinalungan, Dilasag, Casiguran, and Baler.